Isang gabi, nagising ang isang lalaki at nagpalipas ng saglit na oras sa terrace ng kanyang bahay. Habang siya ay nakaupo, napagtuonan niya ng pansin ang dalawang nanlilisik na liwanag sa itaas ng puno, sa pagitan ng mga sanga, na tila titig na titig sa kanya. Biglang nabuo sa isip niya na ito ay ang malaking ibon na laging sumisira ng kanyang pananim. Sumilakbo galit niya at patakbong kinuha ang kanyang shotgun at pinag babaril ang “ibon”. Ngunit naubos ang bala niya at napansin niyang hindi man lang natigatig ang “ibon” at ng kanyang suriing mabuti, ito pala ay dalawang bituin sa kalangitan dumudungaw lang sa likod ng mga sanga.
Sabi ni Christ sa verse 34, Our eye is what makes our life brighter or darker; gloomier or happier. It is how we see things that dictate our mood. If you look at things or life situation positively, then, no matter how bad it is, you will find reason to be happy. Tayo ay pinapayuhan ni Christ na SIGURADUHING ang nasa atin ay liwanag dahil ito ang magdidikta ng uri ng ating buhay.
Naputol ang isang daliri ko sa isang aksidente sa Nestle at habang ako ay nagpapagaling sa loob ng tatlong buwan lagi akong malungkot. Pakiramdam ko ay iba na ako; hindi na normal gaya ng dati. Isang araw habang pauwi ako, muntik ng mabundol ng minamaneho kong owner jeep ang isang PASIPOL-SIPOL na lumpong tumatawid ng daan. Biglang nangusap ang Panginoon sa akin sa pagkakataong iyon dahil narito, isang taong putol ang dalawang paa hanngang hita, unano, pangit ang mukha, nakasakay sa kudradong table na may bearing na gulong at nangungubra ng huweteng. Napuna ko na sa lahat ng aspeto ng buhay lamang ako sa taong ito. Mas pogi ako sa kanya, kapiraso lang ang putol ng daliri, at least jeep ang sasakyan at taga Nestle! Pero eto kitang kita siyang mas masayang nabubuhay kaysa sa akin.
MALUNGKOT KA BA SA BUHAY MO AT HINDI NAKOKONTENTO? MARAMI KA BANG PROBLEMA KAYA KA MALUNGKOT?
Isang bagay ang natutunan ko, hindi ang aking situwasyon o ang mga taong nasa paligid ang dapat magdikta ng saya ng aking buhay; ITO AY ANG AKING PANANAW. PAGTAMA ANG PANANAW, MAGIGING TAMA ANG GALAW; LALAYAS ANG PANGLAW.
Ngiti naman jan at Meri Christmas sa iyo.
Smile :)
Ptr Roger